Pagprotekta sa iyong mga negosyo gamit ang Mga Tool ng Meta
Nagbibigay kami ng iba't ibang tool para sa mga negosyo na mag-report at lutasin ang mga isyu kaugnay sa fraud at mga scam, kasama ang panggagaya at paglabag sa intellectual property. Ang pagpapanatiling ligtas ang mga negosyo sa aming technologies ay isa sa aming mga nangungunang prayoridad, kung kaya palagi kaming bumubuo ng mga tool, technologies at team para tumulong na matukoy at i-mitigate ang mga panganib sa seguridad.Proteksyon ng mga karapatan ng brand
Tinutulungan ng proteksyon sa mga karapatan ng brand na madaling maghanap ang mga brand at makita ang kahina-hinalang content at mga account sa Facebook at Instagram. Pinapahintulutan ng mga Proteksyon sa mga Karapatan ng Brand na protektahan ang kanilang intellectual property sa Meta technologies. Mag-apply para sa access sa Proteksyon sa mga Karapatan ng Brand para mahanap at i-report ang counterfeit, trademark at paglabag sa copyright, mga scam, at mga isyu sa panggagaya.
Rights manager
Ang rights manager ay isang tool sa pag-manage ng content na tinutulungan ang mga may karapatan na i-manage, bigyan pahintulot at protektahan ang kanilang video, audio at image content nang malawakan. Gumamit ng Rights Manager para i-establish ang pagmamay-ari ng content sa pamamagitan ng pag-upload ng mga reference file, magbigay ng pahintulot at suriin ang matching audio, video, at mga image na maaaring may content na may karapatan ka.
Business support home
Ang business support home ay kung saan pwede mong i-track ang, suriin at lutasin ang mga isyu ng account at report. Nagbibigay ang Meta Business Support Home ng centralized na paraan para i-monitor, suriin, at lutasin ang mga isyu na maaaring harapin sa pagsunod sa aming Mga Pamantayan sa Pag-a-advertise, Mga Commerce Policy, at iba pang patakaran at tuntunin.
Intellectual property reporting center
Kung naniniwala kang nilalabag ng content ang iyong intellectual property rights, pwede kang mag-submit ng IP report. Tumutulong ang Intellectual property reporting center na pabilisin ang proseso sa pagre-report sa pamamagitan ng pag-save ng iyong may kaugnayang impormasyon ng account at pinapatili sa isang lugar ang iyong reporting history.