Kaligtasan ng mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao
Nahaharap ang mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao sa buong mundo sa mga espesyal na hamon pagdating sa kanilang personal na kaligtasan at seguridad. Narito ang mga paraang ginagamit ng Meta para pangalagaan ang mga karapatang pantao at manindigan laban sa mga online na banta sa kaligtasan.
Ang aming commitment sa mga karapatang pantao
Sa Meta, nilalayon naming bigyan ang aming mga user ng kakayahang bumuo ng community at paglapitin ang mundo. Likas sa layuning iyon ang tiyakin ang karapatan ng bawat user sa paggalang, kaligtasan, dignidad, privacy, at boses. Patuloy na nagbabago ang aming commitment sa mga karapatang pantao bilang pagtugon sa mga kawalan ng katarungan sa mundo. Noong 2021, inanunsyo namin ang aming patakaran ng kumpanya sa mga karapatang pantao.
Nakatuon ang patakarang ito sa aming commitment sa Mga Gumagabay na Prinsipyo sa Negosyo at Mga Karapatang Pantao (Guiding Principles on Business and Human Rights, UNGP) ng United Nations at tinutugunan nito ang: paggamit ng mga patakaran sa mga karapatang pantao; pagsasagawa ng due diligence at disclosure sa mga karapatang pantao; pagbibigay ng access sa remedyo; pagprotekta sa mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao; at pagpapanatili ng pangangasiwa, pamamahala, at pananagutan. Ang ikaapat na haligi ng aming patakaran sa mga karapatang pantao ay nakatuon sa pagprotekta ng mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao at pagkilala sa kanila bilang priyoridad na group.
Pagprotekta sa mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao
Ayon sa nakasaad sa aming patakaran, kinokondena namin ang lahat ng banta, pananakot at paghihiganti, pang-aapi, at pisikal at legal na pag-atake laban sa mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao. Nagsisikap kaming suportahan ang kanilang mahalagang gawain, at partikular na ang pundasyon ng mga karapatan sa kalayaan sa pagpapahayag, pagtitipon, at pakikilahok sa pulitika, ayon sa tinutukoy ng mga internasyonal na kinikilalang pamantayan sa karapatang pantao.
Ipinapakita ng aming taunang report sa mga karapatang pantao ang aming pag-usad sa pag-abot sa aming mga layunin. Sa seksyon IV, dinedetalye namin ang mga aksyong ginawa namin para protektahan ang mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao.
Digital na seguridad para sa mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao
Bilang bahagi ng aming commitment sa Human Rights Defenders Fund at Journalist Safety Initiative, inanunsyo namin ang isang online na course ng pagsasanay para sa digital na seguridad at kaligtasan para sa mga journalist at mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao. Ang libreng programa ay ginawa at pinapamahalaan ng International Center for Journalists (ICFJ) sa pakikipagtulungan sa Border Center for Journalists and Bloggers (BCJB).
Sulitin ang mga tool para sa kaligtasan sa mga teknolohiya ng Meta.
Alam naming dapat protektahan ng mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao ang kanilang mga contact at komunikasyon laban sa walang pahintulot na access. Narito ang mga karagdagang resource para tugunan ang digital na kaligtasan sa aming mga teknolohiya.
End-to-end encryption: Ang lahat ng message sa WhatsApp ay awtomatikong naka-encrypt. Pwede mo ring i-encrypt ang mga pag-uusap sa Messenger. I-set ang mga message para mawala sa isang chat na naka-encrypt nang end-to-end sa Messenger.
Locked profiles: Kung gusto mong limitahan ang iyong profile para makikita lang ito ng iyong inaprubahang network, pwede mong i-lock ito. Sa feature na ito, mga kaibigan mo lang ang makakakita ng iyong mga litrato, post, at story. Sa kasalukuyan, available ang feature na ito sa mga piling bansa.
Mga control sa privacy: Gamitin ang aming mga built-in na pag-check sa privacy at seguridad sa Facebook para makontrol kung sino ang makakakita at makakapag-comment sa iyong content at regular na pahusayin at suriin ang digital na seguridad mo. Maghanap ng mga karagdagang control sa Privacy Center.
Pag-manage ng profile: Kontrolin kung paano makikita ng pangkalahatang publiko ang iyong profile sa pamamagitan ng pag-manage ng mga tag at mga comment.
Facebook Protect: Tumutulong ang Facebook Protect sa mga palaging tina-target na account na gumamit ng mga mas matibay na proteksyon sa seguridad. Ginagawang simple ng tool ang mga feature sa seguridad tulad ng two-factor na pag-authenticate at nagbibigay ito ng mga karagdagang proteksyon sa seguridad para sa mga account at Page ng mga tao.
Para sa higit pang tip sa seguridad, bisitahin ang page para sa kaligtasan ng journalist at ang aming seksyon ng mga tool sa kaligtasan at seguridad.
I-report ang lumalabag na content.
Hindi namin pinapayagan ang pambu-bully at pangha-harass, hate speech, karahasan at panghihimok na gumawa ng krimen, o iba pang hindi katanggap-tanggap na content. I-report ang anumang comment, post, o digital na gawi na lumalabag sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad. Pwede mo ring i-block o i-restrict ang mga user na nanghihimasok sa iyong privacy.
Bistahin ang mga external na resource sa kaligtasan.
Tingnan ang mga sumusunod na resource sa digital na seguridad na magagamit ng mga tagapagtanggol ng mga karapatang pantao para gumawa ng naka-personalize na toolkit na isinasaalang-alang ang rehiyon, mga mas gustong tool at device.