Mga Tool at Patakaran para sa Kaligtasan
Ang kaligtasan ay isang pag-uusap at responsibilidad na sine-share natin lahat. Malaman ang pamamaraan ng Meta sa kaligtasan at alamin ang tungkol sa mga tool at resource na available sa iyo.
Proteksyon ng Bata sa Online
Malaman ang tungkol sa komprehensibong approach ng Meta sa kaligtasan ng bata sa aming mga technology, kasama ang aming mga pagsusumikap na labanan ang online na pananamantala ng mga bata.
Kalusugan ng Isip at Kapakanan
Naging mas nadagdagan ang halaga ng online na kapakanan sa pangkalahatang wellness. Alamin ang tungkol sa mga tool at resource para sa pagsuporta ng digital na kapakanan para sa iyong sarili, ang iyong pamilya at iba pa sa iyong community.
Pambu-bully at Pangha-harass
Siniseryoso ng Meta ang mga report sa pambu-bully at pangha-harass. Matuto pa tungkol sa mga tool at resource na batay sa mga dalubhasa tungkol sa pag-iwas sa pambu-bully at pang-aabuso sa intimate na larawan.
Digital Literacy
Mayroong mga resource ang Meta para sa digital literacy na tumutulong sa mga nag-aaral na makakuha ng mga kakayahan at kaalaman na kailangan nila para umunlad sa digital world. Alamin ang tungkol sa mga resource na ginagamit sa rehiyon para sa kabataan, mga magulang at mga guro.
Pang-aabuso Gamit ang Intimate na Larawan at Sextortion
Mahigpit na ipinagbabawal ng Meta ang pagbabahagi ng mga walang pahintulot na intimate na larawan (NCII, o non-consensual intimate image). Kung nabiktima ka ng isang taong sine-share ang iyong mga personal na larawan —o isang tao na nagbabantang gawin ito— ipinapaliwanag ng page na ito kung paano gumawa ng agarang aksyon.
Maling Paggamit at Pang-aabuso sa Droga
Nakalaan ang mga resource na ito para sa mga naghahanap ng tulong at impormasyon tungkol sa pagpigil at pag-recover sa paggamit ng kontroladong kemikal at binuo ang mga ito sa pakikipagtulungan sa Partnership to End Addiction at Song for Charlie.

Kaligtasan ng mga pampublikong personalidad

May mga panganib sa kaligtasan kapag patuloy kang pinapanood ng publiko. Ganito mabibigyan ng prayoridad ng mga pampublikong personalidad ang kanilang privacy at kaligtasan habang patuloy na nakikipag-ugnayan at umuunlad sa aming mga teknolohiya.

Kaligtasan para sa mga creator

Ni-launch namin ang aming page ng mga creator para tulungan ang mga social media influencer at mga content creator na ma-manage, ma-monetize at ma-track ang kanilang mga pagsusumikap. Sumali sa community na ito para sa patuloy na payo para tulungang mabuo at madagdagan ang iyong presence sa Facebook at Instagram nang ligtas. Para magbigay ng mas maraming proteksyon, kami ay gumawa ng mga update kamakailan sa Mga Itinagong Salita para sa mga account ng creator.

Safety school

Ang aming safety school ay dinisenyo para turuan ang mga creator sa kung paano mananatiling ligtas sa Meta. Iniisa-isa ng aming koleksyon ng mga webinar at video ang mga patakaran, resource at mga tool na available para sa mga creator.

Panoorin ang safety school webinar para sa dapat gawin kung ikaw ay mahaharap sa panggagaya, pambu-bully o pangha-harass sa aming mga teknolohiya.

Mga patakaran at tool para sa pagprotekta sa kababaihan sa gobyerno

Ang kababaihang nanunungkulan sa gobyerno ay kadalasang nahaharap sa natatanging pang-aabuso at iba pang hamon online. Sa Meta, determinado kaming tulungan ang mga kandidato at mga hinalal na opisyal na protektahan laban sa at i-report ang nasabing gawi. Kaya hindi namin tino-tolerate ang anumang uri ng hate speech, at ang talakayan ng mga pampublikong personalidad ay dapat sumunod sa aming Mga Pamantayan ng Komunidad. Alamin ang tungkol sa mga rule na ito, pati rin ang mga tool para sa kaligtasan na available sa iyo bilang babae sa gobyerno.

Mga resource ng kaligtasan para sa mga kandidato at mga hinalal na opisyal

Patuloy naming ina-assess at pinahuhusay ang aming proteksyon at nagsusumikap na gawing ligtas at nagbibigay ng suporta na lugar ang Meta para sa mga pampublikong personalidad. Alamin kung paano mapapanatiling ligtas ang iyong mga account at protekado ang privacy mo.

Pagprotekta sa iyong Page

Ang mga indibiduwal at organization sa pampulitikang spotlight ay maaaring ma-target para makakuha ng access sa mga contact at sensitibong impormasyon. Kung makokompromiso ang iyong profile, posible kang mawalan ng access sa anumang Page at Group na mina-manage mo. Gamitin ang aming mga tool para sa kaligtasan para tulungang matiyak na mapoprotektahan ang iyong impromasyon laban sa walang pahintulot na access.

Para tulungang matiyak na hindi lalabas sa iyong Page o indibiduwal na profile ang negatibong content, bumuo kami ng range ng mga tool na nagpapahintulot sa mga pampublikong personalidad na i-moderate at i-filter ang content. Pwede mong i-moderate ang mga comment, kasama ang pagtatago o pagde-delete ng mga indibiduwal na comment at pag-ON sa filter para sa bastos na salita—o pag-block ng mga partikular na salita o mga listahan ng mga salita—na ayaw mong lumabas sa iyong Page. Pwede mo ring alisin o i-ban ang mga tao gamit ang mga tool na available sa mga administrator. Tingnan ang aming gabay sa kaligtasan para sa mga leader ng komunidad para sa higit pang payo.

Pagiging eligible at pag-enroll sa Facebook Protect

Dinisenyo ang Facebook Protect para tulungan ang mga user na mataas ang panganib tulad ng mga kandidato at mga hinalal na opisyal, pati rin ang kanilang mga affiliate sa kampanya, na gumamit ng mas matibay na mga proteksyon sa seguridad ng account. Sinusubaybayan din ng feature ang mga posibleng banta ng pangha-hack.

Pagpapahusay sa seguridad ng eleksyon

Nangungunang prayoridad ang seguridad at transparency tungkol sa mga eleksyon. Dinagdagan namin ang mga team na nag-aayos ng mga isyu sa kaligtasan at gumawa ng mga center para sa mabilis na pagtugon. Gumawa rin kami ng malaking pagbabago para bawasan ang pagkalat ng maling impormasyon at magbigay ng linaw sa mga ad tungkol sa mga isyung panlipunan, eleksyon at pulitika.

Mga tool para magbigay ng inspirasyon, kumonekta at maglingkod

Binibigyan ng kakayahan ng Meta technologies ang mga organization ng gobyerno, pulitika at advocacy sa buong mundo. Alamin ang best practices para sa paglilingkod sa iyong mga constituent at tagasuporta at buuin ang iyong komunidad.

I-report ang lumalabag na content

Ang anumang talakayan ng mga pampublikong personalidad ay dapat sumunod sa aming Mga Pamantayan ng komunidad. Hindi namin pinapayagan ang pambu-bully at pangha-harass, hate speech o iba pang hindi katanggap-tanggap na content. Pwede mong i-report ang content na lumalabag sa mga patakaran na ito, pati rin na i-block o i-restrict ang mga user na ayaw mong makaugnayan.