Mga Tool at Patakaran para sa Kaligtasan
Ang kaligtasan ay isang pag-uusap at responsibilidad na sine-share natin lahat. Malaman ang pamamaraan ng Meta sa kaligtasan at alamin ang tungkol sa mga tool at resource na available sa iyo.
Proteksyon ng Bata sa Online
Malaman ang tungkol sa komprehensibong approach ng Meta sa kaligtasan ng bata sa aming mga technology, kasama ang aming mga pagsusumikap na labanan ang online na pananamantala ng mga bata.
Kalusugan ng Isip at Kapakanan
Naging mas nadagdagan ang halaga ng online na kapakanan sa pangkalahatang wellness. Alamin ang tungkol sa mga tool at resource para sa pagsuporta ng digital na kapakanan para sa iyong sarili, ang iyong pamilya at iba pa sa iyong community.
Pambu-bully at Pangha-harass
Siniseryoso ng Meta ang mga report sa pambu-bully at pangha-harass. Matuto pa tungkol sa mga tool at resource na batay sa mga dalubhasa tungkol sa pag-iwas sa pambu-bully at pang-aabuso sa intimate na larawan.
Digital Literacy
Mayroong mga resource ang Meta para sa digital literacy na tumutulong sa mga nag-aaral na makakuha ng mga kakayahan at kaalaman na kailangan nila para umunlad sa digital world. Alamin ang tungkol sa mga resource na ginagamit sa rehiyon para sa kabataan, mga magulang at mga guro.
Pang-aabuso Gamit ang Intimate na Larawan at Sextortion
Mahigpit na ipinagbabawal ng Meta ang pagbabahagi ng mga walang pahintulot na intimate na larawan (NCII, o non-consensual intimate image). Kung nabiktima ka ng isang taong sine-share ang iyong mga personal na larawan —o isang tao na nagbabantang gawin ito— ipinapaliwanag ng page na ito kung paano gumawa ng agarang aksyon.
Maling Paggamit at Pang-aabuso sa Droga
Nakalaan ang mga resource na ito para sa mga naghahanap ng tulong at impormasyon tungkol sa pagpigil at pag-recover sa paggamit ng kontroladong kemikal at binuo ang mga ito sa pakikipagtulungan sa Partnership to End Addiction at Song for Charlie.

Mga leader na mga babae

Ang mga babae ay mahalagang bahagi ng araw-araw na umuunlad na komunidad. Ikaw man ay tumatakbo para sa isang posisyon, celebrity o nasa isang prominenteng posisyon sa pamumuno, committed kaming tulungan ang mga babaeng ligtas na dagdagan ang kanilang presence online.

Paano tinutugunan ng Facebook at Instagram ang pambu-bully at harassment.

Ang pagtulong sa mga babaeng maramdamang ligtas para kumonekta at makipag-ugnayan sa iba ay mahalaga sa ginagawa namin. Pero ang uri ng pang-aabuso na patuloy na umiiral kapag nakikipag-interact ang mga tao sa isa’t isa ay pambu-bully at pangha-harass. Sa Meta, gumagamit kami ng mga bagong teknolohiya para bawasan ito sa aming mga app, bigyan ang mga tao ng mga tool para protektahan ang kanilang mga sarili at masukat din ang ginagawa namin.

Nag-iinvest kami sa proactive na detection technology para mabilis naming maayos ang mga problema sa aming mga app. Sa Facebook at Instagram, nagdagdag kami ng mga warning screen para huwag hikayatin ang mga tao na gumamit ng nangha-harass na salita. Kamakailan, in-update namin ang aming AI technology para i-train sa tatlong iba’t iba pero magkakaugnay na mga paglabag: pambu-bully at pangha-harass, hate speech at karahasan at panghihimok na gumawa ng krimen.

Gumagamit kami ng maraming pamamaraan para bawasan ang paglaganap ng lumalabag na content, tulad ng: pag-alis ng mga account, Page, Group at mga event mga paglabag sa Mga Pamantayan ng Komunidad; pag-filter ng may problemang mga Group, Page at content sa mga rekomendasyon sa aming mga serbisyo; o pagbawas sa pamamahagi ng malamang na lumalabag na content.

In-update rin namin ang aming mga patakaran para bawasan ang enforcement laban sa mapanirang content at gawi para sa mga pampublikong personalidad. Nangyari ang mga update na ito matapos kumonsulta sa mga advocate sa malayang pagsasalita, mga expert sa mga karapatang pantao, mga grupo sa kaligtasan ng mga babae, mga cartoonist at satirist, mga babaeng pulitiko at journalist, mga kinatawan ng LGBTQ+ community, mga content creator at iba pang mga uri ng mga pampublikong personalidad.

Maging maagap sa pag-secure ng iyong mga account.

Ang paggamit ng teknolohiya sa pag-detect ng cyberbullying ay nagbabago pang field dahil ang mga nasabing pang-aatake ay kadalasang lubhang personal. Hinihikayat namin ang mga leader na babae na gumamit ng pang-iwas na pamamaran para protektahan ang kanyang sarili at ang iyong komunidad.