
Kapakanan ng kabataan
Mahalaga na makabuluhan at intensyonal ang oras na ginugugol online. Narito ang mga tip para sa mga teenager para matiyak na mananatiling pinagkukunan ng koneksyon, edukasyon at inspirasyon ang social media.
Alamin ang tungkol sa mga tool na tumutulong sa iyong makontrol ang mga experience mo.
Alam namin na gusto mong makontrol ang iyong experience sa social media sa isang paraan na akma sa iyo at sinusuportahan ang iyong kapakanan. Kaya naglabas kami ng mga feature na hinahayaan kang i-manage ang iyong oras, iwasan ang hindi kanais-nais na mga interation at kontrolin kung anong uri ng content at mga account na nakikita mo. Narito ang ilang halimbawa ng mga reminder at nudge na live ngayon.
Alamin pa ang tungkol sa mga tool na magagamit mo sa aming mga teknolohiya at kung paano gamitin ang mga ito.
Kung may makita kang hindi tama, sabihin ito sa pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang. Puwede ka ring mag-report mismo sa app na ginagamit mo ng mga bagay-bagay na hindi ka kumportable.
Kamustahin ang iyong sarili.
Sa susunod na online ka nang matagal, maglaan ng sandali para i-assess ang nararamdaman mo. Kung iniisip mo ang lahat ng bagay na gusto mong baguhin (tulad ng iyong buhok o kasuotan), sa halip, pag-isipan i-adjust ang paraan ng pakikipag-interact mo sa online. Maaaring gusto mong maghanap ng mga bagong account na mas umaakma sa iyong mga interes.
Magkaroon ng tamang balanse.
Kung gumugugol ka ng masyadong maraming oras sa pagso-scroll, maaaring hindi maging makabuluhan ang oras mo sa online. I-enable ang mga feature sa app tulad ng mga reminder para mag-log off at mga schedule ng notification para ma-monitor, at kung kinakailangan ay mabawasan ang paggamit ng iyong mga mas gustong platform.

Maging kaibigan, hindi lang follower.
Kung magpo-post ng nakakabahalang bagay ang isang kakilala mo sa online, kontakin siya at i-encourage siyang humingi ng tulong. Huwag ipagpalagay na may ibang tutulong. Mas mabuting magtanong kaysa balewalain ang isang bagay na nakakabahala sa iyo.
Gawin din ang ganitong kagandahang-loob sa sarili mo. Kung ikaw ay naiinis o nagagalit sa isang bagay na nakita mo online, huwag mo itong sarilinin mag-isa. Kontakin ang pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang o kaibigan, o kontakin an lokal na helpline para sa libreng suporta.
I-explore ang "pressure to be perfect" na toolkit.
Kung ikaw ay isang teenager sa Instagram, para sa iyo ang aming toolkit. Matutulungan ka nitong malaman hindi lang ang mga image na nakikita mo sa Instagram, pero pati rin ang mga emosyon sa mga ito. At puwede kang magsagot ng mga maikling quiz para ma-assess at mapag-usapan ang tama at kumportable kapag nagpo-post.
Para sa mga magulang, may complementary guide para maintindihan ang mga experience ng teenager sa Instagram. May kasama itong mga tip para tulungan silang ma-manage ang kanilang privacy para mabalanse ang oras sa screen. Gusto ka naming tulungang maintindihan nang mas mabuti ang emotional space na ginagamit ng iyong teenager at ihanda ka para sa mga productive na pag-uusap tungkol sa paggamit ng platform.
Magkaroon ng inspirasyon.
Magkaroon ng inspirasyon na gumamit ng teknolohiya para gumawa ng positibong pagbabago sa sarili mo at sa iyong komunidad. Para makatulong sa pagsisimula, nagtipon kami ng mga resource para tulungan kang makita ang iyong tunay na mundo at isipin kung anong mga step ang dapa gawin para magawa ito.