Mga Tool at Patakaran para sa Kaligtasan
Ang kaligtasan ay isang pag-uusap at responsibilidad na sine-share natin lahat. Malaman ang pamamaraan ng Meta sa kaligtasan at alamin ang tungkol sa mga tool at resource na available sa iyo.
Proteksyon ng Bata sa Online
Malaman ang tungkol sa komprehensibong approach ng Meta sa kaligtasan ng bata sa aming mga technology, kasama ang aming mga pagsusumikap na labanan ang online na pananamantala ng mga bata.
Kalusugan ng Isip at Kapakanan
Naging mas nadagdagan ang halaga ng online na kapakanan sa pangkalahatang wellness. Alamin ang tungkol sa mga tool at resource para sa pagsuporta ng digital na kapakanan para sa iyong sarili, ang iyong pamilya at iba pa sa iyong community.
Pambu-bully at Pangha-harass
Siniseryoso ng Meta ang mga report sa pambu-bully at pangha-harass. Matuto pa tungkol sa mga tool at resource na batay sa mga dalubhasa tungkol sa pag-iwas sa pambu-bully at pang-aabuso sa intimate na larawan.
Digital Literacy
Mayroong mga resource ang Meta para sa digital literacy na tumutulong sa mga nag-aaral na makakuha ng mga kakayahan at kaalaman na kailangan nila para umunlad sa digital world. Alamin ang tungkol sa mga resource na ginagamit sa rehiyon para sa kabataan, mga magulang at mga guro.
Pang-aabuso Gamit ang Intimate na Larawan at Sextortion
Mahigpit na ipinagbabawal ng Meta ang pagbabahagi ng mga walang pahintulot na intimate na larawan (NCII, o non-consensual intimate image). Kung nabiktima ka ng isang taong sine-share ang iyong mga personal na larawan —o isang tao na nagbabantang gawin ito— ipinapaliwanag ng page na ito kung paano gumawa ng agarang aksyon.
Maling Paggamit at Pang-aabuso sa Droga
Nakalaan ang mga resource na ito para sa mga naghahanap ng tulong at impormasyon tungkol sa pagpigil at pag-recover sa paggamit ng kontroladong kemikal at binuo ang mga ito sa pakikipagtulungan sa Partnership to End Addiction at Song for Charlie.

Mga educator at pambu-bully

Bilang educator, naiintindihan mo ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ligtas na environment kung saan maaaring umunlad ang iyong mga estudyante. Narito kung paano maagap na mapapamahalaan at magsusumikap na maipatupad ang mga estratehiya sa pagpigil sa pambu-bully.

Ano ang pambu-bully?

Tinutukoy ng Stopbullying.gov ang pambu-bully bilang “hindi kanais-nais, agresibong pag-uugali sa mga batang nasa edad sa paaralan na kinabibilangan ng tunay o pinaniniwalaang power imbalance. Umuulit ang pag-uugali, o may posibilidad ng maulit.” Maaaring kasama rito ang pagpapakalat ng tsismis, pagpo-post na hindi naaangkop na mga litrato, mga pagbabanta o online na panggagaya. Ang paggawa ng maagap, nonjudgmental na pamamaraan sa pambu-bully ay ang susi sa pagpigil na karagdagang pinsala.

Kasama sa mga resource sa pambu-bully sa ibaba ang impormasyon sa:

  • Kailan at saan dapat kang makipag-usap sa iyong mga estudyante
  • Ano ang sasabihin kapag tinatalakay ang sugject
  • Mga konsiderasyon pra sa pag-follow up
  • Paano turuan ang iyong mga estudyante tungkol sa pambu-bully

Ang pagharap sa pambu-bully ay isang patuloy na proseso. Ang pagpapatupad ng mga estratehiya sa pag-iwas ay maaaring magtagumpay. Umaasa kami na ang mga resource na ito ay magbibigay ng nakakatulong na pagsisimula.