Mga Tool at Patakaran para sa Kaligtasan
Ang kaligtasan ay isang pag-uusap at responsibilidad na sine-share natin lahat. Malaman ang pamamaraan ng Meta sa kaligtasan at alamin ang tungkol sa mga tool at resource na available sa iyo.
Proteksyon ng Bata sa Online
Malaman ang tungkol sa komprehensibong approach ng Meta sa kaligtasan ng bata sa aming mga technology, kasama ang aming mga pagsusumikap na labanan ang online na pananamantala ng mga bata.
Kalusugan ng Isip at Kapakanan
Naging mas nadagdagan ang halaga ng online na kapakanan sa pangkalahatang wellness. Alamin ang tungkol sa mga tool at resource para sa pagsuporta ng digital na kapakanan para sa iyong sarili, ang iyong pamilya at iba pa sa iyong community.
Pambu-bully at Pangha-harass
Siniseryoso ng Meta ang mga report sa pambu-bully at pangha-harass. Matuto pa tungkol sa mga tool at resource na batay sa mga dalubhasa tungkol sa pag-iwas sa pambu-bully at pang-aabuso sa intimate na larawan.
Digital Literacy
Mayroong mga resource ang Meta para sa digital literacy na tumutulong sa mga nag-aaral na makakuha ng mga kakayahan at kaalaman na kailangan nila para umunlad sa digital world. Alamin ang tungkol sa mga resource na ginagamit sa rehiyon para sa kabataan, mga magulang at mga guro.
Pang-aabuso Gamit ang Intimate na Larawan at Sextortion
Mahigpit na ipinagbabawal ng Meta ang pagbabahagi ng mga walang pahintulot na intimate na larawan (NCII, o non-consensual intimate image). Kung nabiktima ka ng isang taong sine-share ang iyong mga personal na larawan —o isang tao na nagbabantang gawin ito— ipinapaliwanag ng page na ito kung paano gumawa ng agarang aksyon.
Maling Paggamit at Pang-aabuso sa Droga
Nakalaan ang mga resource na ito para sa mga naghahanap ng tulong at impormasyon tungkol sa pagpigil at pag-recover sa paggamit ng kontroladong kemikal at binuo ang mga ito sa pakikipagtulungan sa Partnership to End Addiction at Song for Charlie.

Binu-bully ang aking estudyante

Maraming anyo ang pambu-bully sa paaralan at kadalasan nakakaapekto ito sa nararamdaman at pagganap ng mga bata sa akademikong setting. Malaman kung paano mo matutugunan ang sitwasyon kung binu-bully ang iyong estudyante.

Magkaroon ng bukas at hindi mapanghusgang pag-uusap.

Maaaring nahihiya o kinakabhang magsalita ang iyong estudyante, kaya pag-isipan ang pinakamagandang oras at lugar para mag-usap. Kapag maaari, pinakamabuting mag-usap nang maaga pagkatapos mangyari ang insidente para tulungang mapagaan ang emosyonal na pagkabahala.

Alisin ang mga abala para matiyak na alam ng iyong estudyante na siniseryoso mo siya at aktibo kang nakikinig. Matutulungan ng reaksyon mo ang iyong estudyante na masukat ang kanyang mga emosyon. Gawin ang iyong makakaya para manatiling kalmado habang pinag-uusapan ninyo ang sitwasyon. Makinig nang walang antala o hindi agad na nagpapasya.

Narito ang karagdagang patnubay sa kung paano mananatiling sumusuporta at hindi mapanghugsa:

  • Iwasang gumamit ng mabibigat na salita o sisihin ang estudyante.
  • Siguruhin sa iyong estudyante na gusto mo siyang tulungang maghanap ng solusyon habang iniiwasang mangako nang hindi mo matutupad.
  • Tanungin ang iyong estudyante kung ano ang naramdaman niya noong nangyari ang pambu-bully, at kilalanin ang kanyang mga nararamdaman sa pamamagitan ng pagkilala sa sakit na naranasan niya. Ang hindi mabigat at open-ended na mga tanong ay makakatulong na manghikayat ng tiwala.
  • Umugnay sa sitwasyon ng iyong estudyante, kung maaari, hikayatin siyang ibahagi kung ano ang nangyari at ang kanyang nararamdaman.

Imbestigahan ang insidente.

Sa ilang mga sitwasyon, kakailanganin mong magkaroon ng magkakahiwalay na pag-uusap sa lahat ng sangkot. Una, kausapin ang estudyanteng binu-bully at pagkatapos, ang sinumang saksi bago kausapin ang tao (o grupo ng mga tao) na inakusahan ng pambu-bully. Kung sangkot sa pambu-bully ang grupo ng mga tao, subukang pigilan silang makausap ang isa’t isa habang nag-iimbestiga.

Tugunan ang mga sitwasyon na nangangailangan ng agarang pansin.

Kung pinagbabantaan ang estudyante na pisikal siyang sasaktan, ipaalam sa kanya na gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya para masiguro ang kaligtasan niya. Kontakin ang naaangkop na mga awtoridad sa paaralan at i-escalate kaagad ang sitwasyon. Kung masyadong nainis ang iyong estudyante o nagpapakita siya ng mga palatandaan ng pananakit sa sarili, huwag siyang iwan nang mag-isa. Humingi agad ng tulong.

Magplano.

Magpasya kung ano ang susunod na gagawin batay sa iyong mga pag-uusap. Magbigay ng suporta at patnubay, kahit na pareho kayong sumasang-ayon ng iyong estudaynte na hindi gaanong seryoso ang sitwaswyon para i-escalate. Kung kailangang i-report ang insidente, ipaliwanag ang mga patakaran ng paaralan at tulungan silang i-report ang sitwasyon nang naaalinsunod. Kung saan maaari, hilingin sa mga staff member, tulad ng mga social worker, psychologist o ang punong-guro na suportahan ka at ang iyong mga estudyante.

Ang pag-aayos ng hindi pagkakasundo at peer mediation ay hindi naaangkop na mga tugon sa mga sitwasyon ng pambu-bully. Ang pambu-bully ay kinasasangkutan ng hindi balanseng kapangyarihan at isa itong anyo ng pang-aabuso. Naaangkop ang pag-aayos ng hindi pagkakasundo at peer mediation kapag ang parehong partido ay may parehong responsibilidad, pero hindi ganito sa pambu-bully.

Mangumusta.

Kumustahin ang iyong mga estudyante para malaman kung kumusta siya sa loob ng ilang araw at linggo na susunod. Itanong kung naayos na ang sitwasyon at kung komportable siya sa paaralan.

Magbigay ng patuloy na suporta pero huwag mong akuin ang lahat ng ito. Panatilihing kabilang ang iba pang staff member o expert sa pagtulong sa iyong pamahalaan ang insidente.