Maaaring makaapekto ang oras natin online sa kung ano ang nararamdaman natin kapag offline. Narito ang ilang paraan para tumulong na bigyang-prayoridad ang digital wellness mo.
Ang digital wellness ay tungkol sa pananatiling ligtas at pagiging maingat sa online experiences mo. Pwedeng kasama rito ang pag-explore ng mga bahagi ng identity mo sa pamamagitan ng pagkonekta sa mga tao sa mga positibong paraan sa internet. O paggamit ng platform mo para magdulot ng pagbabago sa iyong community. Ang pangunahing basehan ng digital wellness ay pag-iiwan ng malinis na digital footprint sa tuwing magpo-post o makikipag-ugnayan online.
Sa Meta, binibigyan namin ng prayoridad ang digital wellness para sa lahat ng gumagamit ng aming technologies. Kumokonsulta kami sa mga external na eksperto sa digital health sphere para tulungan kaming mag-innovate nang responsable at may intensyon. Kaya hino-host namin ang global safety summits at gumawa ng resources na humihikayat sa kabataan na gumamit ng mga tech platform for para sa kapakanan ng publiko.
Mahalaga ang magagandang digital habit sa pagbuo at pagpapanatili ng digital wellness. Halimbawa:
Balanse ang susi sa healthy na approach sa digital usage. Nasa ibaba ang ilang diskarteng magagamit mo para kontrolin kung gaano karaming oras ang ginugugol mo, o ang iyong mga teenager, sa online.
Pinapahintulutan ka ng mga tool sa digital wellness na gumawa ng proactive na pamamaraan sa iyong kapakanan. Narito ang ilang panimulang punto:

I-manage ang mga setting sa privacy sa Facebook

I-manage ang mga setting sa privacy sa Messenger

I-manage ang mga setting sa privacy sa Instagram

I-manage ang mga setting sa privacy sa WhatsApp
Ang digital wellness ay bahagi ng pangkalahatang ugnayan ng iyong pamilya sa mga online platform. Para sa payo mula sa expert tungkol sa paggamit ng media ayon sa grupo ng edad ng bata, tingnan ang aming guide na binuo sa partnership saDigital Wellness Lab sa Boston Children's Hospital na tinutugunan ang malawak na mga suliranin sa kalusugan na may kaugnayan sa media. Kasama sa bawat seksyon ang mga tip na pwedeng aksyunan para sa mga karaniwang sitwasyon, na dinaragdagan ng konteksto na batay sa science.