
Pagtugon sa mga hamon ng pagpapakamatay
Mapanganib at lumalabag sa mga patakaran ng Meta ang mga online na hamon sa pagpapakamatay. Alamin kung paano matukoy, maiwasan at mahaharap ang nakamamatay na "mga game" na ito.
Ano ang mga hamon sa pagpapakamatay?
Kasama sa online na mga hamon ng pagpapakamatay o “mga game” ang series ng nakakapinsalang mga gawain na ibinibigay sa mga tao sa isang takdang panahon. Karaniwan, tumitindi ang mga ito, nilalayong matapos sa pagpapakamatay. Nilalayon naming iwasan ang mga hamon na ito sa aming mga platform.
Nilalabag ng mga hamon sa pagpapakamatay ang aming Mga Pamantayan ng Komunidad, at inaalis namin ang content na ito kapag nalaman namin ito. Depende sa mga sitwasyon, aalisin din namin ang (mga) account na nag-share ng content.
Paano haharapin ang mga hamon sa pagpapakamatay kung ikaw ay isang teenager.
Kung makakakita ka ng content na may kaugnayan sa hamon sa pagpapakamatay–o anumang may kaugnayan sa pagpapakamatay–hindi mo kailangang harapin ito nang mag-isa. Makipag-usap sa iyong magulang, tagapag-alaga, guro o pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang kung mayroon kang mga alalahanin tungkol sa isang post. Puwede mong isumbong ang content anumang oras.
Kung mahaharap ka sa hamon sa pagpapakamatay sa social media, mag-isip muna bago ka sumali o mag-reshare. Daragdagan nito ang visibility–posibleng lampas sa iyong malapit na grupo–at maaaring ilagay ang iba sa panganib.
Kung makikita mong nagpo-post ang isang kaibigan ng content na may kaugnayan sa pananakit sa sairli o hamon sa pagpapakamatay, tanungin kung okay siya. I-encourage siyang humingi ng suporta at ipaalam sa kanya na maaaring masakit ang pag-share ng content na ito.

Paano dapat tumugon ang mga guro sa mga hamon sa pagpapakamatay.
Bilang guro, ikaw ay pinagkakatiwalaang nasa hustong gulang na may mahalagang tungkulin sa pagsubaybay sa pagpapakamatay. Kasama rito ang pagsubaybay para sa mga hamon sa pagpapakamatay. Isaalang-alang ang mga sumusunod na hakbang at tugon na pang-iwas:
Paano tatalakayin ang mga hamon sa pagpapakamatay sa media.
Ang mga miyembro ng media ay mayroong natatanging responsibilidad na sabihn sa mga caregiver ang mga mapanganib na hamon na ito habang tinitiyak din na hindi magsisimula o magpapaunlad ng interes ang kanilang coverage. Kung ico-cover mo ang hamon sa pagpapakamatay para sa isang istorya, iwasang:
Sa halip, i-encourage ang paghingi ng tulong, tulad ng: