Lubos kaming nagmamalasakit sa kaligtasan at kapakanan sa aming mga platform. Simula 2006, nakipagtulungan kami sa mga eksperto sa pag-iwas sa pagpapakamatay para suportahan ang Meta community.
Nagbibigay ang Meta ng teknolohiya na tumutulong na ikonekta ang mga tao sa mga resource at eksperto na makakatulong. Ang aming Emotional Health Hub ay nagbibigay ng hanay ng mga tip at edukasyon tungkol sa kalusugan ng isip mula sa eksperto. Maghanap ng mga tool na makakatulong na may kaugnayan sa pagpapakamatay, anxiety, depression, pagma-manage ng kapakanan, para sa iyo at sa mga nasa paligid mo.
Naniniwala ang mga eksperto na maaaring makatulong sa pag-iwas sa pagpapakamatay ang mga taong nagmamalasakit. Makakatulong ang Meta na ibigay ang koneksyon na iyon at ituro ka sa mga resource na nagbibigay ng suporta at expertise sa pag-iwas sa pagpapakamatay. Ikaw man ay nahihirapang mag-isa o nababahala ka sa ibang tao, sana makatulong ang mga resource na ito.

Kung may pinagdadaanan ka, dapat mong malaman na hindi ka nag-iisa. Maikokonekta ka namin sa mga taong makakatulong.

Maaari kang magbigay ng mahalagang link ng suporta para sa kaibigan o miyembro ng pamilya na nababalisa. Basahin ang mga tip mula sa mga eksperto sa pag-iwas sa pagpapakamatay at alamin kung ano ang magagawa mo.
Ang helpline sa pagpapakamatay ay makakapagbigay ng agarang koneksyon para sa iyo o kaibigan. Ang pagkontak sa isang eksperto kapag nababalisa ay may malaking epekto. Tumawag sa lokal na hotline sa iyong bansa para sa tulong.
Salamat sa mga ugnayang tinutulungang buuin ng Meta, makakatulong kaming maikonekta ang mga tao na posibleng balisa sa mapagsuportang mga kaibigan at may kaalaman na mga eksperto. Sa buong mundo, may isang pagkamatay sa pamamagitan ng pagpapakamatay sa bawat 40 segundo. Ito ang pangalawang nangungunang dahilan ng pagkamatay para sa mga nasa 15 hanggang 29 na taong gulang. Ang pinakamagandang tool para maiwasan ang pagpapakamatay ay mula sa mga makabuluhang koneksyon. Sa Meta, gusto naming tumulong na maging solusyon.
Simula 2006, dalawang taon lang pagkatapos ng unang ma-launch ang Facebook noong 2004, nakipagtulungan kami sa mga eksperto sa pag-iwas sa pagpapakamatay at kaligtasan para suportahan ang mga community sa mga Meta app. Patuloy kaming kumokonsulta palagi sa mga ekspertong ito at humihingi ng mungkahi sa kasalukuyang research ang best practices, para tumulong na matiyak na palagi naming inuuna ang kaligtasan at kapakanan ng aming community.
Lubos kaming nagmamalasakit sa kaligtasan ng aming community, at kasama ang payo ng mga eksperto, nagtatakda kami ng mga patakaran sa kung ano ang pinapayagan at hindi pinapayagan sa Facebook at Instagram. Hindi namin kailanman pinayagan ang mga tao na mag-celebrate o mag-promote ng pananakit sa sarili o pagpapakamatay, at inaalis din namin ang mga ficitional na pagpapakita ng pagpapakamatay at pananakit sa sarili, pati rin ang content na nagpapakita ng mga paraan o materyal. Gayunpaman, pinapayagan namin ang mga tao na pag-usapan ang pagpapakamatay at pananakit sa sarili dahil gusto naming maging lugar ang Facebook at Instagram kung saan pwedeng ibahagi ng mga tao ang kanilang mga experience, magbigay ng kamalayan tungkol sa mga isyung ito, at humingi ng suporta mula sa isa’t isa. At bagaman pinapayagan namin ang mga tao na mag-share ng content na tinatalakay ang kanilang mga sariling experience sa mga isyung ito, gumagamit kami ng teknolohiya para subukang huwag itong irekomenda. Nagpapakita rin kami ng message na nagbibigay ng suporta sa sinumang susubukang maghanap ng mga salita na may kaugnayan sa pagpapakamatay o pananakit sa sarili at, kapag nalaman naming may nag-post ng tungkol sa mga isyung ito, magbibigay kami ng mga resource at ididirekta sila sa mga lokal na organisasyon na maaaring makasuporta.
Patuloy kaming nakikipagtulungan sa mga pandaigdigang eksperto para i-strike ang maselang balanse ng pagbibigay ng space sa mga tao para i-bahagi ang kanilang mga experience at maghanap ng suporta at pagprotekta sa iba mula sa makakita ng potensyal na mapinsalang content.
Sa Meta, mahalaga ang kaligtasan sa paano namin binubuo ang AI. Gumagawa kami ng malalakas na proteksyon para tulungang protektahan ang mga user mula sa mapinsalang content tungkol sa pagpapakamatay at pananakit sa sarili, at mahigpit na pinagbabawalan ng aming mga patakaran ang mga AI sa paggawa ng content na pinapayagan, hinihikayat, o iniendorso ang pagpapakamatay at pananakit sa sarili sa anumang paraan. Naglagay kami ng mas malakas na mga hakbang sa kaligtasan para sa mga teenager, kasama ang pag-filter ng enhanced content.
Sinasanay namin ang aming mga AI model para makilala kapag mayroong nag-iisip ng pagpapakamatay o pananakit sa sarili. Kung mangyari ito, idinisenyo namin ang aming mga AI para unahin ang kaligtasan ng mga user sa pamamagitan ng paggabay sa mga tao sa mga pinagkakatiwalaang resource – tulad ng mga crisis helpline at mga professional organization – para makakuha sila ng suporta. Naaangkop ang mga proteksyon na ito kapag nakikipag-interact ang mga user sa AI sa aming mga app, at sinusuri namin ang mga ito sa mga expert sa kalusugan ng pag-iisip para tiyakin na epektibo ang mga ito hangga't maaari.
Kapag mayroong nagpapahayag ng pag-iisip ng pagpapamakatay, pwedeng maging mahalaga na makakuha kaagad ng tulong. Makakakuha ng mga resource sa pag-iwas sa pagpapakamatay sa Facebook at Instagram. Ang mga resource na binuo kasama ng mga nangungunang organisasyon sa kalusugan ng pag-iisip at input mula sa mga mayroong personal na experience ay tinutulungan kaming patuloy na pagandahin ang aming tugon.
Ino-notify ng Instagram ang mga magulang gamit ang supervision kung paulit-ulit na sinusubukan ng kanilang teenager na maghanap ng mga salita na may kaugnayan sa pagpapakamatay o pananakit sa sarili sa loob ng maikling panahon. Ang karamihan ng mga teenager ay hindi sinusubukang maghanap ng content tungkol sa pagpapakamatay at pananakit sa sarili sa Instagram, at kapag ginawa nila ito, ang aming patakaran ay para i-block ang mga paghahanap na ito, sa halip ay idirekta sila sa mga resource at helpline na pwedeng magbigay ng suporta. Dinisenyo ang mga alert na ito para tiyakin na alam ng mga magulang kung paulit-ulit na sinusubukan ng kanilang teenager na hanapin ang content na ito, at para bigyan sila ng mga resource na kailangan nila para suportahan ang kanilang teenager.
Gamit ang machine learning technology, pinalawak ng Meta ang aming kakayahang matukoy ang posibleng content na may pagpapakamatay o pananakit sa sarili at sa maraming bansa nagagamit namin ang teknolohiyang ito para makakuha kaagad ng tulong sa mga taong nangangailangan. Gumagamit ng mga pattern-recognition signal ang teknolohiyang ito, tulad ng mga parirala at comment na dapat ikabahala, para matukoy ang mga posibleng pagkabalisa.
Gumagamit kami ng artificial intelligence para bigyan ng prayoridad ang pagkakasunud-sunod ng pagre-review ng aming team sa mga ni-report na post, video at mga livestream. Tinitiyak nito na mahusay naming maipapatupad ang aming mga patakaran at mabilis na makakapagbigay ng mga resource sa mga tao. Nagbibigay-daan rin ito sa aming mga reviewer na bigyan ng prayoridad ay suriin ang mga post na kailangan ng agarang pansin, makipag-ugnayan sa mga serbisyong pang-emergency kapag ang mga miyembro ng aming community ay posibleng nanganganib na masaktan. Mahalaga ang bilis.
Sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya para bigyan ng prayoridad at i-streamline ang mga report, maaari naming i-escalate ang content sa aming Community Operations team, na mabilis na makakapagpasya kung may mga paglabag sa patakaran at kung irerekomendang makipag-ugnayan sa mga lokal na responder sa emergency. Magpapatuloy kaming mag-invest sa teknolohiya para mapaglingkuran nang mas mabuti ang aming community.
Ang mga user ng Meta ay maaaring i-report ang mga post na sa tingin nila ay nagpapahiwatig na nag-iisip na magpakamatay ang isang tao. Ang mga sinanay na miyembro ng aming Community Operations team ay susuriin ang mga report na ito at maaaring ikonekta ang nag-post sa mga resource ng suporta. Kapag sa tingin namin ay may napipintong panganib ng pinsala, inaalertuhan namin ang mga first responder/mga serbisyong pang-emergency, para makagawa sila ng wellness check - mga aksyon na nakapagligtas ng mga buhay.
Ang teknolohiya ng Meta para matukoy ang posibleng pagpapakamatay at pananakit sa sarili ay isinasama sa parehong mga post sa Facebook at Instagram at Facebook at Instagram Live. Kung mukhang ang isang tao na nasa live na video ay pinag-iisipan ang pananakit sa sarili, ang mga nanonood na tao ay maaaring makipag-ugnayan nang direkta sa tao at i-report ang video sa amin.
Ni-report man ang post ng nagmamalasakit na kaibigan o miyembro ng pamilya o nakita ito ng machine learning, pareho ang susunod na step: suriin. Susuriin ng miyembro ng Community Operations team ang report para sa napipintong panganib ng pananakit sa sarili o mga paglabag sa patakaran. Sa mga seryosong sitwasyon, nakikipagtulungan kami sa mga serbisyong pang-emergency para gumawa ng wellness check. Salamat sa teknolohiya ng Meta, natulungan namin ang mga first responder na mabilis na makontak ang mga balisang tao.
“Kapag mayroong nagpapahayag ng pagpapakamatay, binibigyan nito ng pagkakataon ang pamilya, mga kaibigan at kahit ang Facebook at Instagram na manghimasok. Kung hindi maibahagi ng mga tao ang kanilang hinanakit, o kung ito ay ibinabahagi at pagkatapos ay inalis, napalampas natin ang pagkakataong iligtas ang buhay ng isang tao. Sinasanay namin ang mga tao na pakinggan ito sa mga pag-uusap at para payagan ang mga tao na patuloy na magsalita dahil alam namin na ito ang isang paraan para tulungan sila sa isang krisis. Pinahihintulutan kami ng mga social media platform na gawin ito sa paraan na napakabilis na magdadala ng tulong sa maraming tao.”
-Daniel J. Reidenberg, Psy.D., FAPA, Executive Director, Save.org
“Ang sakit sa isip at mga pag-iisip ng pagpapakamatay ay hindi lang isang bagay na pinag-uusapan namin nang HAYAGAN. Ngunit ang pakikipag-usap at pakikipag-ugnayan ay mahalaga sa pagtulong sa pag-iwas sa depression at pagpapakamatay. Ang mga tool na inilalabas ng Facebook, ay parehong nilalayon sa mga taong nagpapahayag ng pag-iisip ng pagpapakamatay at ginagabayan din ang mga nagmamalasakit na kaibigan o mga miyembro ng pamilya sa mga resource at alternatibo at naaangkop na mga intervention.”
-Anna Chandy, Chairperson - Trustees, The Live Love Laugh Foundation - India
“Ang Finnish Association for Mental Health ay nalulugod na makipagtulungan sa Facebook para magbigay ng suporta at mga resource sa mga taong mahina at nasa panganib ng pagpapakamatay at ang mga malalapit sa kanila. Mahalagang magkaroon ng suportang ito dahil kapag nasa krisis, kalimitan walang lakas ang mga tao o tapang na humingi ng tulong at mahirap na maisip na kailangan nila ng tulong. Mahalagang magkaroon ng mga resource at impormasyon sa pakikipag-ugnayan para sa mga eksperto na nasa wikang sinasalita ng mga tao.”
-Satu Raappana-Jokinen, Manager of Online Crises services, The Finnish Association for Mental Health
“Anumang inisyatiba na tumutulong magbigay ng kamalayan at iwasan ang pagpapakamatay ay mahalaga para bawasan ang mga nakapanlulumong statistic na nagpapakita na isang Brazilian ang namamatay bawat 45 minuto. Malalaman ng ilang tao ang mga palatandaan na ang isang kaibigan ay nag-iisip ng pagpapakamatay pero hindi alam kung paano tutulong. Sa mga ganitong sitwasyon, ang mga tool tulad ng isang ni-launch ng Facebook sa Brazil ay pwedeng direkta at hindi direktang tulungan ang cause na ito na mahigit 50 taon nang tinanggap ng CVV at nagsisilbi bilang model para sa iba pang mga organisasyon para mapagtagumpayan ang ‘mga tabu’ at tanggapin pa ang mga aksyon sa bagay na ito.”
-Carlos Correia, Volunteer, Centro de Valorização da Vida - Brazil