Nakikipagtulungan sa mga eksperto sa buong mundo para suportahan ang aming pandaigdigang community
Regular na nakikipagkita ang Meta sa mga eksperto sa buong mundo na gumagabay sa aming mga pagsisikap at tool para suportahan ang aming community.
Pakikibahagi ng eksperto
Sa Meta, ang aming mga pagsisikap na nauugnay sa pagpapakamatay at pananakit sa sarili ay pinapangunahan ng mga lider sa kalusugan ng pag-iisip sa buong mundo sa space na ito. Patuloy kaming umaasa at humihingi ng gabay sa mga eksperto sa pagpigil sa pagpapakamatay para makatulong sa aming maunawaan ang mga kumplikadong isyu sa paligid ng content tungkol sa pagpapakamatay at pananakit sa sarili, at kung paano pinakamabuting harapin ito. Ang mga ekspertong ito mula sa mahigit 20 bansa ay tumutulong sa aming buuin at pahusayin ang aming mga patakaran para matiyak na naaayon ang mga ito sa kasalukuyang research tungkol sa pagpapakamatay habang ginagawa namin ang aming lubos na makakaya para makapag-offer ng suporta sa aming community.
Humantong ang mga regular na konsultasyon na ito sa ilang pagbabago: